Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Pahayag tungkol sa Mabuti Laban sa Masama
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Ang "Hayop"
(Beast) Sa Aklat Ng Apokalipsis
Inihayag noong ika-22 ng Setyembre 2006
Sino ang may tanda ng “Hayop” – 666 sa Banal
na Aklat?
Sa nagdaang dalawang libong taon, ang mga relihiyon ay tinakot ang lahat ng tao sa pagparito ng “Hayop” sa “wakas ng panahon;"
at ginamit rin
nila ang “tanda” at ang “bilang” nito sa pagtukoy sa mga tao sa kasaysayan, mula
sa mga papa ng Vatican, si Nero, si Hitler at magpahanggang sa ating panahon, ang “biochip implant.” Nguni’t ano ang sinasabi o ang nakasulat sa
Banal na Aklat tungkol sa “Hayop” at sa “tanda” nito?
Bagaman ang mga relihiyon ay nangaral tungkol
sa “Hayop,” at itinuro ang maraming kilalang tao sa kasaysayan, nguni’t sila ba
ang “Hayop,” bakit napakarami nila? Ang “Hayop” ba ay tulad ng isang hunyango na
nagbabago ng kanyang anyo at nagtatago sa kasaysayan o baka ang kanyang
pagkakilanlan ay nanatiling nakatabing sa Banal na Aklat sa mga panahon at hindi
nalaman ng mga relihiyon kung saan sisimulang maghanap sa “Hayop?”
Basahin natin ang Pahayag ni Maestro
Evangelista tungkol sa “Hayop” sa Banal na Aklat:
Ang
"Hayop"
Basahin natin ang tungkol sa “Hayop:”
At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon
sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may
sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.
Apocalipsis 13:1 (TAB)
“umaahon sa dagat” – Makikilala na ang “Hayop” o mabubunyag
na sa wakas.
“sampu” – May hangganan.
“sungay” – Ibig sabihin ay kapangyarihan.
“pito” – Marami, isang pangulong relihiyon na
nanganak ng maraming relihiyon, mga simbahan at mga paniniwala.
“diadema” – Na binibigyan ng pagkilala at
kapamahalaan.
“mga pangalan ng kapusungan” – Ang “hayop” na
ito ay tinawag o binigyan ng titulo na isang dios.
At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang kaniyang mga
paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at
ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang
luklukan, at dakilang kapamahalaan. Apocalipsis 13:2 (TAB)
“leopardo” – Ang “Hayop” ay gaya ng isang leopardo, ibig sabihin ang tunay niyang
katauhan ay mahirap matukoy o makilala, nguni’t sa pagparito ng “taga ibang lupa,” ang
katauhan ng “Hayop” ay mabubunyag.
“mga paa ay gaya ng sa oso” – Ang
kapangyarihan ng “hayop” ay nasa mga kamay nito; gaya ng oso, ang kamay nito ay
ang pinakamalakas na sandata nito. Gaya sa mga templo at mga simbahan, nakikita
ninyo na ang mga mangangaral ay kumukumpas ng kanilang mga kamay na kasama sa
pagtuturo sa mga tao.
“gaya ng bibig ng leon” – Ang sabi ni Maestro
Evangelista, malapit na tayo sa pagkilala sa tunay na katauhan ng “Hayop” na
inihayag. Malalaman natin mamaya.
“dragon” – Sino ito?
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at
Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang
kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. Apocalipsis 12:9 (TAB)
Ang dragon ay si Satanas/Ahas/Diablo din, ito ang dapat nating iwasan o layuan.
“ang kaniyang mga anghel” – Mga anghel ni
Satanas, hindi pa sila nakikilala, nguni’t ibubunyag rin ni Maestro
Evangelista kung sinu-sino sila.
Hinggil sa binanggit na
“gaya ng bibig ng
leon,” sino ang leon na binabanggit sa Banal na Aklat?
At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa
angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng
pitong tatak nito. Apocalipsis 5:5 (TAB)
Ang "leon" ay ang ugat ni David.
Sino ang
"Ugat ni David?"
Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga
bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang
maningning na tala sa umaga. Apocalipsis 22:16 (TAB)
Si Jesus ang "Ugat ni David" at tinukoy na
“leon.”
Ibig sabihin, ang “Hayop” ay gumagamit ng mga
aral ni Jesus sa panlilinlang o pandaraya nito.
At kung babasahin
nating muli:
At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang kaniyang mga
paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at
ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang
luklukan, at dakilang kapamahalaan. Apocalipsis 13:2 (TAB)
“ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang
kapangyarihan” – Sino ang “Hayop” na inalok ni Satanas ng kapangyarihan sa Banal
na Aklat?
At sinabi sa kaniya ng diablo, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ipag-utos mo na ang
batong ito ay maging tinapay. At sinagot siya ni Jesus, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao.
Lucas 4:3-4 (TAB)
Sinagot niya ang Diablo ng pa-iwas – sapagka't
walang kapangyarihan si Jesus na gawing tinapay ang bato, dahil siya ay
tao lamang. Bumanggit pa siya ng talata mula sa Banal na Aklat, maalam si Jesus
sa mga nakasulat sa Banal na Aklat.
At upang makatiyak tayo kung tunay na
may kaalaman si
Jesus sa mga nasusulat sa Banal na Aklat, nakasulat nga ba ang isinagot niya sa Diablo?
At ikaw ay pinapangumbaba niya, at pinapagdamdam ka niya ng gutom, at pinakain
ka niya ng mana, na hindi mo nakilala, ni nakilala ng iyong mga magulang; upang
kaniyang maipakilala sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi
sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon. Deuteronomio 8:3 (TAB)
May kaalaman talaga si Jesus sa Banal na Aklat, nguni’t
ang kanyang sinalita ay hindi naman ang sagot sa
paghamon ng Diablo.
Dahil alam ng Diablo na wala siyang
kapangyarihang taglay upang gumawa ng mga himala, ano ang ginawa ng Diablo sa kanya?
At iniakyat pa siya niya, at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat
ng mga kaharian sa sanglibutan. At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang
ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na sa akin; at ibibigay
ko kung kanino ko ibig. Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko, ay magiging iyong lahat.
Lucas 4:5-7 (TAB)
Malinaw na ngayon, ang “Hayop” na binigyan ng kapangyarihan at kapamahalaan ng
dragon (Apocalipsis 13:2) ay si Jesus! Ang “Hayop” at si Jesus ay iisa, ngayon lang siya nabunyag
sa ating kapanahunan!
At ang dahilan
kung bakit tumagal ang panahon bago mabunyag si Jesus: ngayon lang dumating ang
kanyang "Anghel" - Apocalipsis 22:16. Ang "Anghel" ang magpapaliwanag sa
ating lahat kung
sino si Jesus at kung ano ang kanyang naging kapalaran sa Banal na Aklat.
At ang “pitong
ulo” ay ang mga relihiyon; mga simbahan at mga templo na tumanggap ng mga aral
ni Jesus.
At wala sa Banal na Aklat na may ipinangako ang
Dios kay Jesus, hindi ipinangako ang kapamahalaan at kaluwalhatian ng mundo.
Basahin natin muli ang pahayag sa "Hayop:"
At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang kaniyang mga
paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at
ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang
luklukan, at dakilang kapamahalaan. Apocalipsis 13:2 (TAB)
Ang "hayop" ay si Jesus, wala nang iba.
At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at
ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong lupa'y nanggilalas sa
hayop; At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang
kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang
kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya? Apocalipsis 13:3-4 (TAB)
“waring sinugatan ng ikamamatay; at
ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling” – Ito ang aral ng mga relihiyon
tungkol sa buhay, kamatayan at ang muling pagkabuhay ni
Jesus. Na hindi naman totoo.
“at ang buong lupa'y nanggilalas sa hayop” –
Dahil sa mga aral ng mga relihiyon tungkol sa mga himala at muling pagkabuhay ni Jesus; ang mga tao
nga sa buong mundo ay
nagsisunod o nagsisampalataya sa kanila sa loob ng dalawang libong taon.
“sila'y nangagsisamba sa dragon” – Dahil
nagsisamba ang mga tao kay Jesus, sinamba na rin nila ang Diablo (ang
nagbigay ng kapangyarihan kay Jesus) na lingid sa kanilang kaalaman.
“Sino ang kagaya ng hayop at sinong
makababaka sa kaniya?” – Ganito nila niluluwalhati si Jesus sa dalawang libong taon.
Ang mga relihiyon ay ipinangaral ang mga turo at mga himala ni Jesus;
ang mga Muslim ay naniwala rin sa kanya. Kahit na ang mga ibang relihiyon,
matahimik na hinihintay ang kanyang pagbabalik.
At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga
kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu't
dalawang buwan.
At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang
pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang
mga nananahan sa langit. At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at
binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa.
At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang
kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay
buhat nang itatag ang sanglibutan. Apocalipsis 13:5-8 (TAB)
At ang mga tao sa buong mundo ay inilagay ang kanilang pananampalataya kay Jesus
sa pamamagitan ng mga mapandayang aral ng mga relihiyon.
Kung ang sinoman ay may pakinig, ay makinig.
Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: kung ang
sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. Narito ang
pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal. Apocalipsis 13:9-10 (TAB)
Ito naman ang Kautusan ng Dios: “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.”
“mga banal” –
Banal sa Dios, hindi kay Jesus.
At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na
katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.
Apocalipsis 13:11 (TAB)
“ibang hayop” – Ito ay ibang relihiyon.
“dalawang sungay” – Ang dalawang malaking
sekta o denominasyon ng relihiyong ito.
“katulad ng sa isang kordero” – May aral din
ito tungkol kay Jesus.
“nagsasalitang gaya ng dragon” – Tunay na ang
mga tao sa buong mundo ay nalinlang ng mga relihiyon sa pagbigay ng kanilang
pananampalataya kay Jesus, na hindi napag-alaman na ang aral ng kanilang tinanggap
ay mula sa dragon!
At kaniyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang
paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop,
na gumaling ang sugat na ikamamatay. Apocalipsis 13:12 (TAB)
Ito nga ay isang relihiyon na kunwa’y naiiba nguni’t sa katunayan
ay kaisa rin at kumuha rin
ng aral sa unang “Hayop,” na si Jesus.
Ibig sabihin, ang una at ang pangalawang mga
“hayop” ay sumasailalim rin sa kapangyarihan ng Diablo, na patuloy na nandaraya
ng mga tao.
At siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa't nakapagpapababa ng kahit
apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao. Apocalipsis 13:13 (TAB)
Ang relihiyon na ito ay sinasabing naiiba sa Kristianismo, nguni’t ito
rin ay may natatanging paraan ng paggawa ng mga himala at ibang mga ritwal o
pagdiriwang na hindi tunay na aral ng Dios.
At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y
ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa
lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng
tabak at nabuhay. At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang
larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi
sumasamba sa larawan ng hayop. At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya
at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa
noo; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda,
sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.
Apocalipsis 13:14-17 (TAB)
Ito ang tanda ng “Hayop” – “sa ngalan ni Jesus” ito ang palagiang binabanggit
ng mga relihiyon.
Ang sabi Maestro Evangelista, gamitin natin
ang ating pag-unawa:
Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop;
sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at
anim na pu't anim. Apocalipsis 13:18 (TAB)
Ang “Hayop” ay may “bilang ng isang tao” – kaya gamitin natin ang
ating kaalaman sa pagbilang.
Si Maestro Evangelista ang maghahayag ng
kahulugan ng bilang ng “Hayop:”
“9” – Pinakamataas na bilang na ipinapalagay sa
mga "hirang" ng Dios.
Si Jesus ay pinili rin ng Dios na maging “hirang”
Niya, kaya siya ay may bilang rin na 9. Dahil hindi rin siya
nagtagumpay sa kanyang misyon at kinalaban pa ang mga kautusan ng Dios; siya ay itiniwarik
o ibinaliktad - kaya naging bilang na 6; dahil tatlong ulit, kaya ang naging bilang
niya ay 666.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, bilangin kung
ang kabuuan ng tatlong anim ay tulad ng siyam:
6 + 6 + 6 = 18, paghiwalayin ito at idagdag ang
dalawang bilang 1+ 8 = 9!
"666" - "ang bilang ng hayop" - ang bilang
ni Jesus!
ANG TANDA NG “HAYOP”
At dahil ang
“dragon/ahas" ay nabanggit sa Aklat ng Apocalipsis, nangangahulugan na nabanggit
at naisulat rin ito noon sa ibang mga pahayag ng Banal na Aklat.
Ipapakita sa atin ni Maestro Evangelista
kung saan mababasa, basahin natin ito:
At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng
higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan
ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong
buhay:
At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi:
ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong. Genesis 3:14-15 (TAB)
Pagkatapos ng Pagtukso sa Halamanan ng Eden,
nagkaroon pa ng paglalaban sa pagitan ng "anak ng ahas" at ng "anak ng babae."
Si Jesus ang inihayag na maging "anak ng babae" sa panahon niya.
Dahil sa pagsunod nito sa aral ng ahas/Satanas at
pagsalungat sa mga kautusan ng Dios, ating
nasaksihan mula sa mga isinaysay ni Maestro Evangelista, ay nakita natin
kung papaano nagbago si Jesus mula sa inihayag na “anak ng babae” na naging “anak
ng ahas!”
Totoo ba na si Jesus ang tinukoy na “Hayop?”
Bumasa tayo ng isang pahayag na malapit nang maganap:
Ang
Dakilang Babilonia
At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa
akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na
patutot na nakaupo sa maraming tubig; Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at ang mga nananahan sa lupa ay
nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid. At ako'y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang
babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong,
na may pitong ulo at sangpung sungay. At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng
mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong
ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang
pakikiapid, At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA,
INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA. Apocalipsis 17:1-5 (TAB)
“ang hatol sa bantog na patutot” – Isang babae na hahatulan o paparusahan, sino
siya?
“na nakaupo sa maraming tubig” – Ibig sabihin,
ito ay matatagpuan sa maraming bansa sa buong mundo.
“Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa” – Ang babaeng ito ay nakipagsabwatan sa mga pangulo ng mga bansa
sa pagpapahirap sa mga tao sa ilalim ng kapangyarihan ng nito.
“alak ng kaniyang pakikiapid”
– Sa kanyang
maling aral.
“isang hayop
na pula” – Na si Jesus na may bilang na 666!
“na puno ng mga pangalang pamumusong” – Ito
ang “hayop” na tinawag o binigyan ng titulo ng gaya ng isang dios – Jesus is Lord at iba
pa.
“sampung sungay” – May hangganan ang
kapangyarihan nito, dahil nabubunyag na hindi siya ang tunay na dios.
“pitong ulo” – Marami, isang pangulong
relihiyon na nanganak ng marami pang mga ibang relihiyon, simbahan at mga
paniniwala, na nagaaway-away pa sa kasalukuyan.
“diadema” - Na binigyan ng pagkilala at
kapamahalaan.
Ang
"babae" ay simboliko ng pangulong relihiyon
na kumuha at ipinalaganap ang mga aral ni Jesus sa mga tao sa buong mundo – ang
Kristianismo!
“kulay-ube at ng
pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas” – ang
babae ay ikinararangal sa maraming bansa, at nagkamal ng kayaman sa mga nagdaang
libong taon sa pamamagitan ng panlilinlang!
“ipuno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi” - ang kanyang mga mapandayang aral at kapusungan.
“DAKILANG BABILONIA” – Inihalintulad sa
dakilang sibilisasyon ng nagdaan panahon, nguni’t nawasak rin.
“INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM
SA LUPA” – Ang Kristianismo na nanganak ng marami pang ibang uri ng relihiyon,
nguni’t ang lahat ay inilagay ang kanilang pananampalataya kay Jesus!
Ang pahayag na ito ay nagsasabi ng pagkawasak ng
pananampalataya o paniniwala na ipinalagay kay Jesus.
Ano pa?
At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir
ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking
panggigilalas. Apocalipsis 17:6 (TAB)
“sa dugo ng mga martir ni Jesus” – Ang mga namatay, nagpakamatay, nag-alay ng buhay,
at pinatay sa “ngalan ni Jesus,” – sa pagaakala nila na ang pag-aalay ng sarili
nilang buhay para kay Jesus ay pagbibigay kaluwalhatian
sa Dios, na hindi naman totoo. Ito ang ipinangangaral ng mga iba't-ibang
relihiyon sa tao!
At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang
hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung
sungay. Apocalipsis 17:7 (TAB)
Sa pagparito ng “Taga Ibang Lupa,” na si Maestro Evangelista, ang “Hayop” ay
mabubunyag kasama ng “babae” – ang Kristianismo, hindi lang ang Simbahang Romana
Katolika, gayundin ang mga relihiyon at mga simbahan na inilagay ang kanilang
pananampalataya kay Jesus.
At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa
kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay
manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula
nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at
wala na, at darating. Apocalipsis 17:8 (TAB)
“malapit ng umahon sa kalaliman” – Ang katauhan ng “Hayop” ay
nabunyag sa
wakas sa pamamagitan ng kapahayagan ni Maestro Evangelista! Ang "Hayop" na
inihayag sa Banal ng Aklat ay si Jesus!
“at patungo sa kapahamakan” – Ang mga
relihiyon at mga simbahan na inilagay ang kanilang mga pananampalataya kay Jesus ay
mawawasak din.
“hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang
itatag ang sanglibutan” – Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang “aklat ng buhay”
ay ang aral ng Dios na nagbibigay ng buhay kung susundin. Si Jesus ay sinugo lamang sa bayan ng
Israel, at nang sumampalataya ang mga ibang tao at mga relihiyon sa kanya at
tinawag na mga Kristiyano o ng iba pang mga pangalan; hindi sila napabilang sa
Pangako ng Dios na ibinigay lang sa bayan ng Israel.
Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok na
kinauupuan ng babae: At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay
hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon.
At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito
at siya'y patungo sa kapahamakan. At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa
nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang
paghahari na isang oras na kasama ng hayop. Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan
at kapamahalaan sa hayop. Apocalipsis 17:9-13 (TAB)
Ihahayag ni Maestro Evangelista ang kahulugan ng mga ito:
“pitong bundok na kinauupuan ng babae” – Ang
pitong bundok ng Roma! Ang Vaticano, ang ina ng mga relihiyon!
“pitong hari” – Ang mga relihiyon
at mga bansa na
sumampalataya rin kay Jesus!
“siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y
patungo sa kapahamakan” – Ito ay ang Islam, may katulad rin silang kasaysayan at
tradisyon sa Kristianismo, tungkol sa pagdating ni Jesus at iba pang mga aral.
“may isang kaisipan, at
ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop” – Ito ang
lihim ng kapangyarihan ng “Hayop" (si Jesus): ang lahat ng mga relihiyon ay
palagiang nagtitipon-tipon, nagpupulong-pulong at nagpapalitang ng kaalaman sa
pagtataguyod na kani-kanilang pananampalataya, na kung saan ang Papa ng Romana
Katolika ay ang
punong abala; ang ina ng mga relihiyon!
Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero,
sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga
kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.
Apocalipsis 17:14 (TAB)
Darating ang panahon na ang mga relihiyon ay tatangkaing labanan ang makabagong
panahong “pinili” ng Dios, na si Maestro Evangelista, ang “Taga Ibang Lupa.”
Ano ang mangyayari sa mga relihiyon?
At sinabi niya sa akin, Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng patutot, ay
mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika. At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa
patutot, at siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at
siya'y lubos na susupukin ng apoy. Sapagka't inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan,
at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, hanggang
sa maganap ang mga salita ng Dios. Apocalipsis 17:15-17 (TAB)
Ang mga relihiyon at ang kanilang pandaraya ay
hindi mananaig sa Katotohanang dala ni Maestro Evangelista.
Hindi sila magtatagumpay, dahil ang “Taga Ibang Lupa” ay binigyan ng kapamahalaan na
ihayag ang katotohan tungkol sa Patotoo ni Jesus at sa Salita ng Dios.
Ang mga
relihiyon at ang mga simbahan na humiwalay sa Vaticano (ang
kanilang “ina”) at nagtatangkang pabagsakin rin ito; tunay nilang ginaganap ang aral ni
Jesus, ang “pagkakabahabahagi!”
Sa katotohanan lamang, na kung ang Vaticano
ay babagsak, ang mga relihiyon din ay babagsak.
At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa
lupa. Apocalipsis 17:18 (TAB)
“ang dakilang bayan” – ang Vaticano, ang luklukan ng Kristianismo, sa ngalan ni
Jesus.
Ngayon naman, tungkol kay Jesus na tao na
may bilang na “666,” kailan siya itiniwarik?
Ang Masamang Prinsipe
At ikaw, Oh masama na nasugatan ng ikamamatay, na prinsipe sa Israel, na ang
kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas; Ezekiel 21:25 (TAB)
“masama… na prinsipe” – Sino siya?
“sa panahon ng parusang pinaka wakas” – Siya
ay mahahayag na sa wakas, sa ating kapanahunan, na siya ang taong pinarusahan ng
Dios.
Ano ang ginawa sa kanya ng Dios?
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ilapag mo ang tiara, at alisin mo ang
putong; ito'y hindi na mangyayari pa uli; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang
mataas. Ezekiel 21:26 (TAB)
“Ilapag mo ang tiara, at alisin mo ang putong;” –
Hindi na siya pinahintulutan
na magpatuloy pa sa misyon niya.
Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik: ito rin nama'y hindi na mangyayari
uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya; at aking ibibigay sa
kaniya. Ezekiel 21:27 (TAB)
“Aking ititiwarik” – Ito ang ginawa sa kanya ng Dios. Ito ay binanggit pa ng
tatlong beses, ang bilang na “9” ay itiniwarik ng tatlong beses, kaya naging “666.” Ito
na ang tanda ni Jesus, hindi na siya tinuring ng may bilang na “9” ng Dios kundi
ay ang “666.” Ang bilang na ito ay natatangi lamang kay Jesus.
Sino ang prinsipe
ng Israel na pinarusahan ng
Dios, si Jesus ba talaga ito?
Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna
kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.
Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na
ibinitin sa isang punong kahoy. Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at
Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga
kasalanan. Acts 5:29-31 (TAB)
Kahit na ano pa ang sabihin ng mga apostol tungkol kay Jesus sa mga aral nila,
napag-alaman na natin na siya kinanaganapan ng "masamang prinsipe" ng Israel na inihayag! Nilinlang ng mga apostol ang mga tao, gayundin ang mga relihiyon!
At, ang bayan ng Babilonia, simboliko ng
dakilang patutot, ay binabanggit pa; sino ang hari nito?
Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw
ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! Isaias 14:12 (TAB)
At sa pagbasa sa salin na ginagamit ng simbahang Katoliko:
King of Babylon, bright morning star, you have fallen from heaven! In the past
you conquered nations, but now you have been thrown to the ground. Isaiah 14:12 (Good News Bible)
Ang Hari ng Babilonia ay ang “maningning na tala sa umaga!”
Sino ang aamin na
siya ang Hari ng Babilonia at ang “maningning na tala sa umaga?”
Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga
bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang
maningning na tala sa umaga. Apocalipsis 22:16 (TAB)
Mula sa salin na ginagamit ng simbahang Katoliko:
"I, Jesus, have sent my angel to announce these things to you in the churches. I
am descended from the family of David; I am the bright morning star."
Apocalipsis 22:16 (Good News Bible)
Inamin ni Jesus noon pa man na siya ang Hari ng Babilonia at ang
“maningning na
tala sa umaga!” Bakit hindi ito napag-alaman ng mga relihiyon?
Ito ang kapanahunan na ang mga tao ay gigising sa katotohanan na si Jesus ay hindi
“anak ng Dios" at hindi
nagampanan ang kanyang misyon.
Ito ang isa sa pinakamahalagang pahayag sa
kasaysayan ng sangkatauhan! At dahil kay Maestro Evangelista, makakalapit na
tayo sa Dios at manunumbalik sa Kaniya!
Sa pagpapatuloy sa pahayag ng
“Taga Ibang
Lupa” na si Maestro Evangelista:
Ang 144.000
At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang
kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at
pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. Apocalipsis 14:1 (TAB)
Inakala ng mga relihiyon na ang bilang na “144,000” ay ang mga taong pinili ng
Dios sa huling mga araw. Sa humigit anim na bilyong tao sa mundo, sila lang
daw ang ililigtas ng Dios at iaakyat sa langit!
Ang sabi ni Maestro Evangelista, ito ay
simboliko ng bagong bayan ng Dios. Ang lahat ng tao at mga bayan ay magiging
pantay-pantay sa Dios.
At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming
tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay
gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa:
Apocalipsis 14:2 (TAB)
“isang tinig na mula sa langit… gaya ng ugong ng malakas na kulog” –
Ito ba ay
tunay ng kulog?
Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan.
Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: ang Dios ng kaluwalhatian ay
kumukulog, sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig.
Awit 29:2-3 (TAB)
“kulog” – Ang Tinig ng Dios.
At muli basahin sa:
Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig, at ang sigaw na lumalabas
sa kaniyang bibig. Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit, at ang kidlat niya'y sa mga
wakas ng lupa. Sumunod nito'y isang hugong na dumadagundong; siya'y kumukulog ng hugong ng
kaniyang karilagan: at hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig.
Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig; dakilang mga bagay ang
ginawa niya, na hindi natin matalastas. Job 37:2-5 (TAB)
Gumagawa ang Dios ng mga dakilang bagay na hindi maabot ng ating unawa.
At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at
sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi
maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo
lamang, sa makatuwid ay siyang mga pinili mula sa lupa.
Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis.
At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga
ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at
sa Cordero.
At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga
walang dungis. Revcelation 14:3-5 (TAB)
“isang bagong awit” – Ang tunay ng aral ng Dios na napapakinggan
o nababasa ninyo – na iba sa mga
aral ng mga relihiyon, kaya akala ay bago.
“ang isang daan at apat na pu't apat na libo” –
Ang
bagong bayan ng Dios.
“hindi nangahawa sa mga babae” – Sila ang mga
nagsilabas sa mga relihiyon;
“sila'y mga malilinis” – Makatwiran;
sumusunod sa Dios.
Ang
Mabuting Balita na Walang Hanggan
At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting
balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't
bansa at angkan at wika at bayan; Apocalipsis 14:6 (TAB)
“mabuting balita na walang hanggan” – Ang walang hanggang aral na mula sa Dios
na dala ng “Taga Ibang Lupa” o ni Maestro Evangelista upang malaman at maunawaan
ng mga tao na may isang Dios lamang magpakailan man.
Ano ang
nilalaman ng “mabuting balita na walang hanggan?”
At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay
kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at
magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng
tubig. Apocalipsis 14:7 (TAB)
Ang nilalaman ng “mabuting balita na walang hanggan” ay ang
“Matakot sa Dios” – Ibig sabihin: ating sambahin at sundin ang
tunay na Dios; hindi ang ibang dios na hindi natin
nangakilala, kasama na si Jesus, na isang tao lamang.
At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang
dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan
ng kaniyang pakikiapid. Apocalipsis 14:8 (TAB)
“Babilonia” – Ang dakilang patutot – kung gayon, sino ang hari ng Babilonia?
At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng
malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan,
at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo
sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa
harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: Apocalipsis 14:9-10 (TAB)
“Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan” –
Ito ang mga relihiyon na
sumasamba kay Jesus.
“Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan
ng Dios” – Ang galit
ng Dios na tatanggapin din nilang lubos.
“pahihirapan ng apoy at asupre” – Ito ang
kaparusahan na tatanggapin nila mula sa Dios: Mabubunyag silang mga sinungaling
sa harap ng mga tao sa buong mundo at kayayamutan, hanggang kailan?
At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y
walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa
kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan.
Apocalipsis 14:11 (TAB)
“sila'y walang kapahingahan araw at gabi” –
Dahil sila ay paparusahan at
kayayamutan ng mga taong kanilang nilinlang… makakatabko
sila nguni’t hindi makapagtago magpakalian man.
Sino ba ang kanilang sinamba?
“nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan,
at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan” – Ang mga relihiyon ay
sumamba kay Jesus at nangaral sa mga tao sa “ngalan ni Jesus!”
Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at
ng pananampalataya kay Jesus. Apocalipsis 14:12 (TAB)
Ito ang isang halimbawa na kung saan ang mga tao sa buong mundo ay nalinlang;
sinasabi nila na ang Dios at si Jesus magkatulad o iisa lang.
Nguni’t ano ang ihahayag sa atin ni Maestro
Evangelista tungkol sa talatang ito?
Pag-isipan nating mabuti:
“mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng
Dios” – Na iba pa sa mga may “pananampalataya kay Jesus” – ito ang kapanahunan
na ating matutunghayan na makikilala ang mga sumusunod sa Dios at ang mga
nananampalataya kay Jesus. Ang PAGPAPALA AT SUMPA ng Dios.
Si Jesus ay hindi ang Dios, at ang maniwala sa
kanya ay isang kasalanan sa Dios. Sino ang dapat ninyong sundin: Ang Dios o si
Jesus?
Sa kaunaunahang pagkakataon sa
nakalipas na dalawang libong
taon, naitakda na, na may Dios, ang tunay na Dios at may Jesus, isang huwad na
dios. Mabuti at masama. Ang katotohanan at ang kasinungalingan. Ang PAGPAPALA AT
SUMPA. Mamili… Malayang Pagpili o “Free will.”
At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo,
Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi
ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang
kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila. Apocalipsis 14:13 (TAB)
Ito ang kapanahunan na atin nang masasabi na ang isang tao ay tunay na pinagpala
ng Dios, hindi ni Jesus; dahil alam na natin ngayon kung sino ang matapat at
masunurin sa Dios at ang hindi.
Ang mga tao na inihayag na santo o banal ng mga
relihiyon noon ay hindi totoo; dahil inalay nila ang kanilang buhay para kay Jesus.
At nakita ko, at narito, ang isang alapaap na maputi; at nakita ko na nakaupo sa
alapaap ang isang katulad ng isang anak ng tao, na sa kaniyang ulo'y may isang
putong na ginto, at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas.
Apocalipsis 14:14 (TAB)
“ang isang katulad ng isang anak ng tao” –
Dahil ang “Taga Ibang Lupa”
o si Maestro Evangelista ang may hawak ng Susi ni David at hindi nanggaling sa
lahi nina Moses, David, Salomon at Jesus. Siya ang
magpapatuloy ng misyon ni Jesus na makilala ng mga tao sa buong mundo ang tunay
na Dios at ang Kanyang Dakilang Pangalan.
“isang panggapas na matalas” – Simboliko, ang
kapangyarihan ng “Taga Ibang Lupa” mula sa Dios.
At lumabas ang ibang anghel sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa
nakaupo sa alapaap, Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagka't
dumating ang oras ng paggapas, sapagka't ang aanihin sa lupa ay hinog na.
Apocalipsis 14:15 (TAB)
“ang ibang anghel” – Ang “Taga IBang Lupa” ay may makakasama upang tumulong sa
pagpapalaganap ng mga tunay na aral ng Dios.
At inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kaniyang panggapas sa lupa; at ang lupa ay
nagapasan. Apocalipsis 14:16 (TAB)
Ano ang aanihin?
At lumabas ang ibang anghel sa templong nasa langit, na may panggapas din namang
matalas. At ang ibang anghel ay lumabas sa dambana, na siyang may kapangyarihan sa apoy,
at tinawagan ng malakas na tinig yaong may panggapas na matalas, na sinasabi,
Ihulog mo ang iyong panggapas na matalas, at putihin mo ang mga buwig sa ubasan
sa lupa; sapagka't ang kaniyang mga ubas ay mga hinog na. Apocalipsis 14:17-18 (TAB)
“ang kaniyang mga ubas” – Ano ang ibig sabihin ng mga “ubas?”
Sapagka't ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbahayan ng Israel, at
ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim: at siya'y naghihintay ng
kahatulan, nguni't narito, kapighatian; ng katuwiran, nguni't narito, daing.
Isaias 5:7 (TAB)
“ubasan” – Ang bahay o bayan ng Israel.
“mga tao sa Juda” – Ang dating bayan niya.
Sa pagpapatuloy ng pagbabasa:
At inihagis ng anghel ang kaniyang panggapas sa lupa, at pinuti ang mga ubas sa
lupa, at inihagis sa pisaan ng ubas, sa malaking pisaan ng kagalitan ng Dios.
At nayurakan ang pisaan ng ubas sa labas ng bayan, at lumabas sa pisaan ng ubas
ang dugo, na umapaw hanggang sa mga preno ng mga kabayo, sa lawak na isang libo
at anim na raang estadio. Apocalipsis 14:19-20 (TAB)
“dugo” – Ang “araw” na iyon ay mapupuno ng dugo; habang ang mga aral ng Dios ay
ipinapangaral ng “Taga Ibang Lupa” na si Maestro Evangelista, mga digmaan, mga
kaguluhan at mga sakuna ay magsisimulang mangyari.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan ng Panginoon
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|